Search

Thursday, March 18, 2010

Mayor IgnacioTaruc ng Buguey nagtatago na?

Nagpalabas na ng mandamiento de aresto ang hukuman laban kay Buguey Mayor Ignacio Taruc kaugnay sa kinakaharap nitong kasong arson kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte.

Ito ang napag-alaman ng Bombo Radyo kay C/Insp. Edward Guzman, hepe ng PNP Buguey kung saan hinahanap na umano nila ang alkalde para maisilbi ang warrant of arrest laban dito.

Ani Guzman, bigo silang maisilbi ang warrant of arrest dahil hindi mahanap ang alkalde sa Buguey at posibleng nagtatago na ito.

Nauna rito, sinampahan ng kasong arson ang alkalde dahil sa umano'y pag-utos nito na sunugin ang plantasyon ng aryus trees o mas kilala bilang feng sui tree na diumanoy pag-aari ng pamilya Antiporda na mortal namang kalaban sa pulitika

0 comments: